SINAMPAHAN na ng kaso ng Bureau of Customs sa Department of Justice ang isang South African na hinihinalang drug mule at nahulihan ng 8.5 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P40 milyon, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Oktubre 23, 2013.
Ayon kay Customs Commissioner Rufino “Ruffy” Biazon, ang kinasuhan ay si Debbie Reyneke kaugnay sa paglabag sa Section 3601, in relation to Section 101 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines.
Sa ilalim ng nasabing probisyon, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkat o pagpasok sa bansa ng coccaine.
Sinabi pa ni Biazon, ang pagkakahuli kay Reyneke ay dapat magsilbing babala sa international drug syndicates na walang lugar sa Filipinas ang illegal na droga.
“This should send a strong warning to international drug rings that the Philippines is no place for their illegal and hazardous drugs. We shall prosecute and seek for the maximum penalties allowed by law to all those attempting to smuggle drugs into the country, if only to spare the lives of many young Filipinos,” pahayag ni Biazon.
Si Reyneke na dumating sa NAIA mula sa Dubai sakay ng Emirates Airlines ay naaresto dahil sa pinaigting na intelligence network ng BoC.
(LEONARD BASILIO)