Friday , November 22 2024

Lady realtor, driver pinosasan ng holdaper

PINOSASAN muna bago nilimas ang malaking ha-laga ng salapi, mamaha-ling gadgets at personal na gamit ng isang lady realtor at kanyang driver ng dalawang holdaper na nagpanggap na bibili ng bahay at lupa kamakalawa ng umaga sa Taguig City.

Bandang hapon na nang makahingi ng tulong sa pulisya ang mga biktimang si Arseli Lopez, 49, at driver niyang si Jose Tizon,  matapos  silang iposas sa loob ng kanilang dalang sasakyan at iwanan sa isang lansangan sa Heritage Park.

Batay sa ulat ng pulis-ya, nakipagtransaksyon ang mga suspek kay Lopez sa kanyang tanggapan sa Innova Land Realty Inc., sa Prestige To-wer, Ortigas Center at nagpanggap na bibili ng bahay at lupa sa Tagaytay City.

Hinimok ng mga suspek ang biktima na samahan sila sa Tagaytay City upang personal na makita ang ibinebentang bahay at lupa kaya’t bumiyahe sila kamakalawa ng umaga gamit ang Mitsubishi Adventure ni Lopez.

Habang tinatahak ng sasakyan ang C-5 Road pasado 9 a.m. naglabas ng baril ang mga suspek at nagdeklara ng holdap bago pinosasan ang mga biktima sa likurang bahagi ng sasakyan at kinuha ang P100,000 cash ni Lopez, pati na ang kanyang gadgets at personal na gamit

Isa sa mga suspek ang nagmaneho ng sasak-yan hanggang Heritage Park na pinaghihintayan ng apat pang kasabwat na may dala rin isang sports utility vehicle na ginamit nila sa pagtakas.

Pasado 4 pm nang makahingi ng saklolo ang mga biktima matapos silang iwanan na nakaposas sa loob ng sasak-yan. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *