Thursday , January 9 2025

Cebu Pacific nagkansela ng flights sa bagyo

BUNSOD ng bagyong Yolanda (Haiyan), sinabi ng Cebu Pacific na ang mga pasahero ng domestic at international flights mula Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 10, 2013 na mula o patungo sa Visayas region, Bicol region, Palawan at ilang Mindanao destinations, ay maaaring i-rebook ang kanilang flights sa loob ng 30 araw, nang free of charge.

Ang mga pasahero ay maaaring i-rebook ang kanilang flights mula at patungo sa  Cebu, Tacloban, Tagbilaran, Iloilo, Bacolod, Kalibo, Caticlan (Boracay), Roxas, Dumaguete, Legazpi, Naga, Virac, Puerto Princesa, Busuanga (Coron), San Jose, Siargao, Surigao, Pagadian, Butuan, Ozamiz, Cagayan de Oro at Dipolog.

Bukod sa rebooking option, maaari rin i-reroute ang mga pasahero sa pinakamalapit na alternate airport o piliin ang full travel fund o full refund.

Maaaring tumawag ang mga pasahero sa (02)7020-888 o (032)230-8888 para sa kanilang opsyon, ano mang oras maging pagkatapos ng kanilang flights.

Ang sumusunod na flights kahapon ay kinansela bunsod ng bagyong Yolanda:

5J 767/ 768 Manila-Surigao-Manila, 5J 223/ 224 Cebu-Butuan-Cebu, 5J 787/ 788 Manila-Butuan-Manila, at 5J 391/ 392 Manila-Cagayan de Oro-Manila

Ang apektadong mga pasahero ng kanseladong flights ay maaaring mag-avail ng kaparehong mga opsyon.

Magpapatuloy ang Cebu Pacific sa paglalaan ng updates kung available. I-follow ang @CebuPacificAir sa Twitter o Cebu Pacific Air’s official Facebook page.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *