Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tinedyer nagbigti sa BFF ni mommy (Pinagtanim ng pandan)

NAGBIGTI ang isang 15-anyos estudyante sa loob ng bahay ng kaibigan ng kanyang ina kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Patay na nang madiskubre ni Gemma Tredes ang bangkay ng anak na si James,  nakabigti ng nylon cord sa bahay ng kaibigang si Jilda Nuylan, sa J. Ramos St., Brgy. Ibayo, Tipas.

Sa imbestigasyon nina POs1 Darwin Allas at Victor Amado Biete ng Taguig police, isinama ni Gemma ang anak sa bahay ng kaibigan kamakalawa ng umaga upang magtanim ng pandan sa bakanteng lote.

Dakong hapon, iniwan ng ginang ang anak upang sunduin ang isa pang anak sa isang Catholic school sa Pasig City.

Nang balikan ng ginang si James dakong 7:00 ng gabi upang isama  pauwi, laking-gulat niya nang makitang nakabigti na ang binatilyo.

Napag-alamang sinundo ni Gemma ang anak sa Cavite upang sa Pateros pag-aralin nang matuklasan na lagi umanong matamlay ang anak

Salaysay ni Gemma sa pulisya, masikreto ang kanyang anak at hindi nagsasabi ng kanyang nararamdaman kaya’t blanko pa sila sa motibo ng pagbibigti nito. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …