Sunday , December 22 2024

Probinsiya handa na sa Super Typhoon

NAKAHANDA na ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa posibleng pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga residenteng maaaring maapektohan ng pananalasa ng bagyong si Yolanda.

Kasama sa mga pamilyang maaaring ilikas ano mang oras ay ang mga nasa malapit sa paanan ng bulkang Mayon dahil sa banta ng lahar o mud flow, ang mga nasa coastal areas at malalapit sa tabing ilog at mga residenteng nasa flood at landslide prone areas.

Todo-alerto rin ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council  (RDRRMC) sa Region 8 hinggil sa posibleng paghagupit ng typhoon Yolanda na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong araw at posibleng mag-landfall ang sentro sa Eastern Visayas sa Biyernes

Inatasan din ni RDRRMC chairman at OCD-8 Regional Dir. Rey Gozon ang lahat ng mga gobernador at alkalde sa Rehiyon 8 na i-activate ang kanilang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa posibleng paggagupit ng nasabing super typhoon.

Sa lalawigan ng Cebu, inalerto rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang lahat ng mga residente dahil sa nakaambang pananalasa ng super typhoon.

Sa talaan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB-7), mayroong 80 mga barangay sa probinsiya ng Cebu, isang lungsod at 13 munisipyo ang nanganganib sa landslide.

Samantala, nagpalabas ng direktiba si PRO-7 director C/Supt. Danilo Constantino na maging handa ang kanyang mga tauhan at panatilihin ang pakipag-ugnayan sa local government units (LGU’s).

Pinaghahanda na rin sa ngayon ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang publiko sa pagtama ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni PDRRMO officer Jerry Bionat, kahit hindi man direktang tatama ang bagyo sa Iloilo, daraan ito sa Visayas at maaapektohan pa rin ang kanilang lugar.

Ngayon pa lang, nag-abiso na ang PDRRMO sa publiko na paghandaan din ang posibleng kalamidad sa pamamagitan ng pag-imbak ng mga ‘ready to eat’ na pagkain, flashlight, tubig at iba pa.

KLASE SA BOHOL, CEBU, ALBAY SINUSPINDE

NAGDEKLARA na ng suspensyon sa klase simula ngayong araw ang tatlong lalawigan na inaasahang direktang tatamaan ng bagyong Yolanda.

Una rito, inianunsiyo ng Cebu Provincial Government na walang pasok sa lahat ng lebel ng eskwela, kasama na ang tertiary, ngayong araw hanggang Biyernes.

“Cebu Governor Hilario P. Davide has declared ‘a no classes in all levels in public and private schools’ (Elementary and High School) in the entire province of Cebu on November 7 and 8, 2013,” ayon sa official Twitter account ng provincial government.

Sa abiso ng Department of Education, ini-anunsyo rin na walang pasok sa lahat ng lebel ng eskwela sa lalawigan ng Albay.

“ALBAY #walangpasok Classes in ALL LEVELS are suspended starting tomorrow, November 7, 2013.”

Nag-isyu rin ng kahalintulad na advisory ang ahensya para sa buong lalawigan ng Bohol.

ZERO-CASUALTY TARGET SA BAGYONG YOLANDA

MULING iniutos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kinauukulang mga ahensya ng gobyerno na sikapin ang “zero casualty” sa nakaambang pananalasa ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, alam nilang super typhoon ang papasok na bagyo kaya dapat doble-kayod ang mga ahensya ng pamahalaan.  Ayon kay Coloma, inatasan ng Pangulo si Secretary Voltaire Gazmin, tagapangulo ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), na pakilusin na ang lahat ng provincial and municipal disaster risk reduction and management councils para makapag-handa ang mga mamamayan at makaiwas sa panganib.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *