NAGSAGAWA ng 15th Customs Procedure and Trade Facilitation Working Group (CPTFWG) na kinabibilangan ng 10 Asean member nation ay sinimulan ang tatlong araw na conference ng mga customs commissioner at directors general noong Nobyembre 5, 2013 sa Traders Hotel, Manila, kung saan ang PH Bureau of Customs ang nag-host sa naturang event.
Inaasahan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na makatutulong ito sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa para maging competitive sa global market.
Naniniwala si Biazon na ang blue print para sa Strategic Plans of Customs Development (SPCD) sa tatlong araw na pagpupulong ay base sa Asean Agreement on Custom (AAC) noong Marso 30, 2012, na nilagdaan ng mga Customs Commissioner at Directors General ng pamahalaan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao People’s Republic, Malaysia, Union of Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam. “The international custom community is now going through a radical paradigm shift .trade barriers are being dismantled and the free flow of goods and service among nation is now the global market trend . we need to be on board this global economic trend otherwise we will be left behind the doldrums of economic stagnation,” ani Biazon. (leonard basilio)