Friday , November 15 2024

Isyu ng apology sa Hong Kong ginatungan ni Erap

00 Bulabugin JSY

WALA na yatang magaling na adviser si Erap (rest in peace Boy Morales).

Parang IKINANAL (pahiram sa madalas kong maringgan ng terminong ito) si Erap kung sino man ang nagpayo sa kanya na humingi siya ng apology sa Hong Kong in behalf of Philippine government.

Natatawa naman talaga ako sa nagpayo nito kay Erap. ‘E hindi naman kailangan ni Erap ng ganyang brinkmanship dahil ‘MADE’ na siya sa larangan ng politika – naging Presidente na nga ‘di ba? – umober pa nga … dahil gumawa siya ng HISTORY …

Siya ang kauna-unahang presidente ng bansa na napatalsik, nasentensiyahan at nakulong dahil sa ‘PANDARAMBONG.’

‘Yung nagpayo n’yan kay ERAP, gustong palabasin na mas magaling si Erap kay PNOY.

‘E bakit naman makikipagmagalingan si Erap ‘e ‘predecessor’ nga siya ng predecessor pa ni PNOY.

SABLAY na SALTO pa?!

‘E pangarap n’yo palang maging foreign affairs secretary si Erap yata… hehehe …

Ang siste, TINABLA at SINOPLA ng Hong Kong ang APOLOGY ek-ek ni Erap kasi nga wala naman BASBAS ng Pangulo … at walang intensiyon si PNOY na humingi ng apology dahil ang naganap na hostage taking sa Luneta ay hindi nga kasalanan ng sambayanan kundi ng nasirang si Rolando Mendoza.

Hak hak hak … ano ka chief executive ng ‘Republic of Manila’ at gumagawa ng sariling diskarte sa foreign affairs?!

‘E malinaw na PAGLABAG ‘yan sa FOREIGN POLICY ng bansa ayon pa sa isang Congressman.

Pero … eto na ang malaking pero … alam n’yo po ba kung saan LUMATAY ang PAGMAMAGALING ni ERAP at ng kanyang naggagaling-galingan na adviser?!

‘E di sa sambayanang Pinoy.

Lumalamig na nga ang isyung ‘yan ‘e pinakialaman pa ninyo …in short, parang binuhusan pa n’yo ng gasolina ang humuhupang apoy!?

Plano ngayon ng Hong Kong na magpataw ng sanctions (may economic sanction rin) sa mga kababayan (OFWs) natin na nagtatrabaho doon.

At balak na rin nilang mag-require na ng VISA sa mga Filipino na magtuturista sa Hong Kong.

Anyway, sa isang banda, ano ba ang naitulong ng Hong Kong sa bansa?

Ang baratin ang sahod ng OFWs na nagtatrabaho sa kanila?

Ang sairin at pagkakitaan ang kwarta ng mga turistang Pinoy na nagto-TOUR sa kanila?!

Mas malaki pa nga ang naitutulong natin sa ekonomiya nila dahil sa dami ng mga turistang Pinoy na nagpupunta sa kanila.

To make the story short, SUPALPAL ang EPAL ni Erap …

Kaya kayong mga adviser ni Erap, ayusin nga ninyo ang mga PAYO ninyo sa BOSS ninyo!

Sayang ang isinusuweldo sa inyo! Halata namang IKINAKANAL ninyo ‘e!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *