Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bombay itinumba sa Baseco (Naningil ng pautang)

PATAY ang isang Indian national nang barilin  ng hindi nakilalang salarin habang naniningil ng pautang sa Baseco Compound, Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Kumar Narinder, 38, ng Lamayan, Sta Ana, Maynila habang mabilis  na tumakas ang suspek.

Ayon kay PO2 Abdon Aceveda ng Manila Police District Homicide Section, dakong 9:00 ng umaga, naniningil ng pautang  si Narinder sa harap ng  isang bahay sa Block 15, Baseco Compound nang biglang sumulpot ang isang lalaki.

Agad umanong nagbunot ng baril ang suspek saka malapitan na ipinutok sa ilalim ng kanang tainga ng biktima na agad niyang ikinamatay.

Salaysay  sa pulisya ng live-in partner ng biktimang si Fatimah, wala umanong kaaway ang kanyang mister  na maaaring pagbintangan ng nasabing pamamaslang.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …