Thursday , January 9 2025

Bawal pa rin ang marijuana—DoH official

SA kabila ng sinasabing benepisyo mula sa paggamit ng marijuana, nagbabala sa publiko ang tagapagsalita ng Department of Health (DoH) at assistant secretary Dr. Eric Tayag na bawal pa rin ang marijuana at ang paggamit nito ay iligal at paqpatrusahan sa ilalim ng batas.

Ito ang hinayag ni Tayag sa Philippine Medical Association (PMA) Kapihan sa Manila Hotel media forum na kung saan sinabi niya na walang usapin ukol sa availability o accessibility sa sinasabing medical marijuana subalit iligal pa rin ang pagdala at paggamit nito sa anumang kadahilanan.

“Para sa mga naniniwalang ang cannabis ay maaaring alternatibong treatment para sa ilang tinukoy na karamdaman, dapat nilang malaman na ito ay pinagbabawal pa rin para gamitin nang walang pahintulot mula sa kaukulang awtoridad o ahensya ng pamahalaan,” idiniin ng opisyal ng DoH.

Ang reaksyon ni Tayag ay bunsod ng apila ng concerned group na Philippine Moms for Medical Marijuana (PMMM) at Philippine Cannabis Compassion Society (PCCS) na kapwang naghayag ng benepisyong medikal ng marijuana sab ilang mga Pasyente na nasa kanilang pangangalaga.

Ipinaliwanag ni PMMM founder Kathleen Kim na ang kanilang adbokasiya parav sa paggamit ng marijuana ay hindi naglalayong gawing legal ang cannabis kundi pagtuunan ng pansin ang mga benepisyong makakamit mula dito para matugunan ang kondisyong medical ng ilang mga pasyente, partikular na sa mga seizure o kombulsyon sanhi ng epilepsy.

“Mahalaga ang panahon dahil lumalaki na ang bilang ng mga pasyente na nmay mga problemang medical na maaaring matugunan at pagalingin ng marijuana,” ani Kim.

Subalit idiniin pa rin ni Tayag na kakailanganing sundin ang ligal na pamamaraan sa paggamit ng marijuana bilang curative therapy.

“Maaaring pumunta ang PMMM sa DDB (Dangerous Drugs Board) at hilingin dito ang rekonsiderasyon. Ang ibig kong sabihin ay dapat na gawinn nila ang nararapat nang naaayon sa ating batas,” aniya.

Sa ilalim ng Section 93, Article XI ng Republic Act 9165, na mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, may kapangyarihan ang DDB para i-reclassify, idagdag o alisin ang mga item mula sa listahan ng dangerous drugs at ang prosesong ito ay maaaring isagawa ng PDEA, DoH, o sa pamamagitan ng petisyon mula sa interesadong indibiduwal o grupo.

Makakamit ang reclassification batay sa scientific evidence ng pharmacological effect ng droga o mga benepisyo at state of current scientific knowledge ukol sa droga o substance.

(Sandra Halina)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *