Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 holdaper utas sa Pampanga

PAMPANGA – Dalawang holdaper ang namatay makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad habang nakatakas naman ang lima pang kasamahan sa City of San Fernando kahapon ng madaling araw .

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 4:40 a.m. lulan ang biktimang si Cora Sason, vegetable dealer, residente ng Sta. Rita ng nasabing  bayan, ng Isuzu elf na minamaneho ng kanyang dri-ver na si Raymond de Jesus kasama ang helper na si alyas Socsoc, nang paputukan sila ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo at isang owner type jeep, at pagkaraan ay nagdeklara ng holdap.

Tiyempo naman parating ang nagpapatrolyang mga awtoridad kaya’t tumakas ang mga suspek dala ang hindi pa mabatid na halaga ng perang koleksyon ni Sason.

Humabol ang mga pulis ngunit pinaputukan sila ng mga suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin.

Habang tuluyan nang nakatakas ang lima pang mga suspek.             (RAUL SUSCANO/

LEONY AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …