NAPAPABORAN nga ba nang husto ang SM GROUP sa bagong 300 HECTARES reclamation project sa Pasay City?!
Lumutang ang katanungang ito nang tanggihan ng Pasay City local government ang request ng Ayala Land Inc., na bigyan pa sila ng karagdagang panahon para isumite ang kanilang proposal para sa bayside reclamation.
Naniniwala ang Ayala Land na ang kanilang proposal ang hahamon sa proposal ng SM Group.
Sa liham kay Ayala Land corporate secretary Solomon Hermosura dated October 29, sinabi ni Pasay Public Private Partnership selection committee vice chair Atty. Severo Madrona, Jr., ang pagbibigay umano ng palugit sa deadline ay labag sa NEDA joint venture guidelines.
Take note: ‘NO FORMAL BIDDING’ po ang reclamation na ‘yan.
Pero matapang pa na binigyan-diin ni Madrona na, “Much to our regret, we cannot grant your request for extension of time to submit counter-proposal without exposing ourselves to charges of violating or bending the rules to favor your company.”
Naghain ang SM Land Inc., ng proposal na i-reclaim ang 300 hectares ng Manila Bay sa halagang P54.5 bilyones. Nangako ang SM Land na tatapusin nila ang project sa loob ng pitong (7) taon at ibibigay ang 51 percent o 153 hectares sa Pasay government.
Mukhang okey naman daw ang proposal pero ayaw ba ng Pasay government na magkaroon ng ‘OPTION’ sa pamamagitan ng proposal ng Ayala Land?
At ang higit na nakapagtataka umano, kamakalawa ay nagpaikot na raw ng CITY COUNCIL RESOLUTION na ang layunin ay i-AWARD na sa SM Group ang nasabing reclamation project.
Habang umiikot nga raw ang ‘RESOLUTION,’ mayroong mga Konsuhol ‘este’ konsehal na abot-tenga raw ang ngiti … pero mas marami raw ang nagulat at nakaNGANGA…
BUKOL ba?!
Pero ang tanong nga, bakit ba nagmamadali ang Pasay government na i-award ‘yan sa SM Group?!
Totoo nga kaya ang tsismis na isang Pasay city official ang nakapag-ADVANCE ng malaking halaga nitong last election?!
At totoo kaya ang usap-usapan sa Pasay City Hall na malaki ang goodwill money o SOP sa reclamation project na ito?
Magkano ‘este’ ano ba ang dahilan BING LINTIKSON!?
Kaya siguro ALIGAGANG-ALIGAGA na maaprubahan ng ilang tulisan sa city hall ang AWARDING ng reclamation project sa SM Group?!
Just asking lang po…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com