Bahagyang nasugatan si 2013 Miss World Megan Young matapos maaksidente sa pagbisita sa bahay ampunan sa Port-au-Prince, Haiti nakaraang Huwebes.
Batay sa artikulo sa official site ng Miss World, kasama ni Young si Miss World Chairman Julia Morley na bumisita sa 78 batang nagkaklase noon sa ikalawang palapag ng gusali ng orphanage.
Tumatakbo ang mga bata papunta sa beauty queen nang biglang gumuho ang sahig.
Nahulog sina Morley at Young sa taas na 10 talampakan.
Sa tindi ng pagbagsak, isinugod sa ospital si Morley maging ang isang estudyante.
Nabatid na nagkaroon ng bali sa balakang ang Miss World chairman kaya dinala sa Miami para maoperahan.
Nagkagalos naman si Young na ngayo’y nakabalik na sa Amerika kasama ang pamilya.
Anya, “Nothing like that has really happened to me before. It was such a shock. I felt like a deer in the headlights. I didn’t really know what had happened or what to do. We had all fallen down, but I was still on my feet. I had the crown in one hand and the other hand instinctively holding up one of the decks in place with two people. There were lots of kids under the decks still and we just instinctively held on.”
Umaasa naman si Megan na mabilis maka-rerekober si Morley at ang estudyante.
“My thoughts are with them at this time. It was a real eye opener and just shows how much work needs to be done in Haiti. I want to go back and continue with the work that we have started, and make sure nothing like this can happen again.” Sa panayam kay Miss World Philippines Director Cory Quirino, sinabi niyang naikwento sa kanya ni Young na sinubukan pa siyang protektahan ng ilang bata habang bumabagsak ang sahig.
Tinawag ni Quirino na “Megan Magic” ang simpatya ng mga bata kay Young.