Thursday , November 14 2024

Zapanta bibitayin na sa Saudi

110513 DFA migrante

 NAGKILOS-PROTESTA ang grupong Migrante International sa harap ng DFA upang kondenahin ang mabagal na aksyon ng gobyerno ukol sa problemang kinakaharap ng mga OFW sa bansang Saudi Arabia. (JERRY SABINO)

NAGTAKDA na ng petsa ang ang Saudi government para sa execution ng death sentence sa overseas Filipino worker (OFW) na nahatulan sa kasong murder sa nasabing bansa.

Iniulat ni Presidential Adviser on OFW Concern at Vice President Jejomar Binay, sa loob ng kasalukuyang buwan itinakda ang pagbitay sa kababayang si Joselito Zapanta.

Nagpaso na kamakalawa ang deadline para sa hinihinging P45-million “blood money” ng pamilya nang biktima.

“I do not want to say it yet because it’s too morbid for his family. As far as I can tell you he is set to be executed this month. But although there is a date mentioned, normally that is not followed and the convict is just fetched from his cell and then executed,” ani Binay.

Samantala, naghihintay pa rin ng balita ang gobyerno ng Filipinas kaugnay sa patuloy na apela para mailigtas ang buhay ni Zapanta.

(JAJA GARCIA)

OFWS MINALTRATO NG SAUDI POLICE

IDINAING ng ilang undocumented Filipino workers ang sinasabing pagmaltrato sa kanila ng Saudi authorities, kasunod ng pagpapairal ng “Saudization” policy sa nasabing bansa.

Ayon sa kanila, halos apat na araw silang na-detain at naka-posas pa nang pasakayin sila ng eroplano pabalik ng Filipinas.

Kamakalawa ng gabi,  27 overseas Filipino workers ang dumating sa bansa, ilang oras matapos magpaso ang deadline na itinakda ng Saudi government laban sa illegal foreign workers.

Hindi naman napigilan ng isang domestic helper na si Amor Roxas ang maiyak habang ikinukwento ang mapait na karanasan.

Aniya, mistulang hayop ang pagtrato sa kanila ng mga awtoridad sa Saudi, at ipinarada pa sila mula immigration center hanggang sa airport.

Ang ilan din aniya sa kanila ay ipinosas ang mga paa na mistulang mga kriminal habang nasa detention facility.

Aminado ang Department of Foreign Affairs na wala itong magagawa sa reklamo ng overseas Filipino workers (OFWs) kaugnay sa sinasabing pagmaltrato sa kanila ng Saudi authorities.

Ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez, mayroong sariling patakaran ang Saudi sa pagtrato sa mga lumabag sa kanilang batas, partikular ang pag-posas sa immigration at labor laws violators.

(HNT)

P2-B PONDO SA JOBLESS

PINAWI ng pamahalaang Filipinas ang pangamba ng pamilya at kamag-anak ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Saudi Arabia, sa gitna ng implementasyon ng “Saudization” policy sa nasabing bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., mayroong nakalaang P2-billion reintegration fund ang gobyerno para sa mga kababayang uuwi ng Filipinas.

Tinukoy pa ng kalihim na nakahanda ang pamahalaang magbigay ng ayuda sa mga OFW para agad makahanap ng bagong trabaho.

“Ginagawa ng pamahalaan ang nararapat at kinakailangan para maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng ating mga kapatid na apektado ng Saudization policy,” ani Coloma.

Una na ring sinabi ni DFA spokesperson Asec. Raul Hernandez na mayroong kasunduan ang Philippine at Saudi government na hindi na maaaring arestuhin ang naturang mga kababayan dahil nakabinbin na lamang ang proseso ng kanilang immigration requirements.

“Mayroon tayong coordination at arrangement sa Saudi government para sa mga OFWs na nasa temporary shelters, na inaasikaso na ang kanilang papeles, na ligtas na sila sa pag-aaresto. Kasi ang kanilang mga papeles, pinoproseso na ng mga government agencies,” ayon sa opisyal.

Una nang nilinaw ng Saudi Ministry of Labor na walang mangyayaring extension sa itinakdang deadline para sa Saudization policy, taliwas sa kumalat na balita.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *