INIHAYAG ng Malacañang na hindi pa natatapos ang paliwanag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa Disbursement Accelaration Program (DAP) sa isinagawang televised statement.
Katunayan, sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, balak ni Pangulong Aquino na mag-ikot din sa mga lalawigan para personal na ipaliwanag ang DAP.
Ayon kay Coloma, layunin nitong lubusang maipaliwanag sa taong bayan ang kinakaharap na mga isyu.
Pagkakataon aniya ito para magkaroon ng matalinong pagsusuri ang mamamayan para sa tamang opinyon.
“We also reiterate government’s willingness to conduct continuing dialogues with our people and especially in the regions and provinces to ensure adequate understanding of the issues that will enable them to make correct choices and decisions in matters affecting their communities and the country’s future,” ani Coloma.
(ROSE NOVENARIO)