PINABILIB tayo ng napakagandang programa ng Cebu Pacific Air nang ilapit nila sa puso at kakayahan ng bawat ‘Juan’ ang pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa sa abot-kayang halaga.
Kaya ngayon, kahit na isang wage earner ka lang, pero masinop ka sa iyong sweldo, may credit card at may ilang subi-subing dollars na bigay-bigay ng mga kaanak na overseas Filipino workers (OFWs) t’yak makapupunta na sa malalapit na bansa sa Asya.
Thanks to the brilliance of one Lance Gokongwei.
Pero nanghihinayang tayo sa programa na ‘yan ng CEBU PACIFIC kung hindi nila maaaresto at matutuldukan ang malalang problema ng PILFERAGE sa kanilang mga CARGO.
Marami nang nagrereklamong importer/broker sa Cebu Pacific lalo na kung mamahalin ang cargo sa dumadalas na nakawan sa kanilang kargamento.
Masyado nang magagaling ang mga ‘magnanakaw’ d’yan sa cargo service ng Cebu Pacific, nabubuksan ang mga kahon ng kargamento at meron pa silang dalang sariling tape … iba’t ibang klaseng tape pa.
Kung hindi gagawa ng epektibong hakbang ang management ng Cebu Pacific laban sa talamak na pilferage sa kanilang cargo tiyak na maaapektohan ang kanilang programa ngayon na magandang cargo service.
Mr. Lance Gokongwei, unsolicited advice lang po, paimbestigahan at ipa-monitor mo kung sino ang mga ‘TIRADOR’ d’yan sa mga empleyado ninyo.
“Two birds in one shot” ‘yang mga lokong ‘yan. TUMATABO na sa kananakaw, PINABABAGSAK pa ang kompanya ninyo.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com