Friday , November 22 2024

Napoles most hi-risk sa Senate (Probe tuloy sa Nob. 7)

110513_FRONT

PAIIGTINGIN ng Senado ang seguridad para kay pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles na nakatakdang dumalo sa Senado para sa pagdinig sa nasabing isyu sa Huwebes.

Sinabi ni Senate sergeant-at-arms Jose Balajadia, Jr., humiling na ang kanyang tanggapan ng 60 karagdagang mga pulis mula sa Pasay City Police upang tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa bisinidad ng Senate building sa Pasay City sa Huwebes.

“Mas matindi ito kay Corona. Napoles is already a high-risk personality from Laguna… She is the most high-risk Senate guest in the last 10 years,” pahayag ni Balajadia sa mga reporter kahapon, tumutukoy sa pagdalo ni dating Chief Justice Renato Corona sa Senado kaugnay sa impeachment trial laban sa dating punong mahistrado.

Si Napoles, kasalukuyang nakapiit sa Laguna para sa illegal detention case, ay pinadalhan na ng subpoena ng Senate blue ribbon committee para sa pagdinig sa Huwebes kaugnay sa pork barrel scam.

Samantala, ibinasura ni Senate blue ribbon committee chairman Teofisto Guingona III ang hiling ni Sen.  Serge Osmeña na ipagpaliban muna ang pagdinig at pagharap ni Janet Lim-Napoles sa Senado na nakatakda sa Nobyembre 7 kaugnay ng multi-billion peso pork barrel scam.

Nais ni Osmeña na gawin na lamang ang pagdinig sa Nobyembre 18 kasabay ng pagbabalik sesyon ng mga Senado.

Ngunit nanindigan si Guinona na tuloy ang pagdinig ng Blue ribbon sa Nobyembre 7 at wala aniyang  dahilan  para  ipagpaliban ito.

Magsisimula aniya ang pagdinig dakong 10 a.m. at magkakahara-harap ang inaakusahang pork barrel queen na si Napoles at ang mga nag-aakusang whistleblowers sa pangunguna ni Benhur Luy na dating mga empleyado ni Napoles.

Ni CYNTHIA MARTIN

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *