Maraming pasahero ang nagalit at naabala matapos panandaliang maparalisa ang biyahe ng mga tren dahil sa nakitang maliit na bitak sa Metro Rail Transit (MRT) kahapon ng umaga.
Alas 6:10 ng umaga nang bulto ng mga pasahero ang hindi makasakay sa Quezon Ave., at sa iba pang estasyon ng MRT dahil sa nasabing aberya.
Walang masakyang tren sa mga estasyon mula North Avenue hanggang Ortigas at tanging sa Shaw Boulevard hanggang Taft Station lamang ang operasyon.
Pero bago mag-alas-6:30 ng umaga, agad bumalik sa normal ang operasyon sa lahat ng estasyon.