Sunday , December 22 2024

Esquivel dapat sibakin ni PNoy sa MWSS (Sa katiwalian at kasinungalingan)

Manila, Philippines—Kung seryoso si Pangulong Aquino sa paglilinis ng katiwalian sa pamahalaan, nararapat unahin sibakin ang kanyang kaibigang si Gerardo Esquivel, tagapangulo ngayon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) matapos palabasing kumikita ang ahensya sa kabila ng katotohanang mayroon itong malaking pagkalugi.

Ayon kay Silvestre Liwanag, tagapangulo ng Filipinos for Accountability and Reforms (FAR), naging kahiya-hiya si Aquino nang banggitin niya ang MWSS bilang isa sa mga ahensyang mayroong magandang record of performance sa kanyang television speech noong Oktubre 30.

Batay sa records at sa paliwanag ni MWSS Labor Association official Napoleon Quinones, P588 milyon lamang ang naging ‘kita’ ng ahensya at “paper gain” lang umano ang napabalitang P2 bilyong kinita nito noong 2012.

“Ipinahiya ni Esquivel ang pangulo sa pagsasabing may P2 bilyong kinita ang MWSS noong 2012 samantala ang mahigit P1.3 bilyon ay paper gain lamang o hindi actual na kita bunga ng performance. Ang P1.3 bilyon ay bahagi ng magandang performance ng piso kontra dolyar,” ani Liwanag.

Mayroong passive income ang MWSS bunga ng progress billings sa contractors at water concessionaires.

Ayon sa grupo, wala halos kinita ang MWSS bunga ng sobra-sobrang paglustay ng pera na tinututulan ng Commission on Audit sa ngayon.

Kung susumahin, ayon kay Liwanag, wala halos kita ang MWSS dahil mahigit P122 milyon ang nagastos ng MWSS board, at P88 milyon dito ay ipinansweldo sa mahigit 47 consultants ni Esquivel.

“Isa sa mga tumanggap ng malaking sweldo ay si Lelan Lopez na tumanggap ng mahigit P500,000. Si Lopez ay bahagi ng Freedom from Debt Coalition, isa sa mga grupong tumira sa MWSS concessionaires. Another consultant, Rodrigo Gatmaitan was hired by Esquivel inspite of knowing that he works for a rival firm that has a pending case against MWSS and its concessionaire.”

Sang-ayon naman kay Jason Luna, convenor ng Coalition of Filipino Consumers (CFC), ginamit na dahilan lamang ng MWSS board ang nasabing kita upang may basehan ang milyon-milyong pisong bonuses at allowances na tinanggap ng board nitong taon.

Tumanggap ng P350,000 si Esquivel samantala tig-P500,000 naman sina MWSS administrator Emmanuel Caparas at Vince Yambao.  Naglustay din umano ng milyong piso sina Esquivel para sa isang grupo upang tirahin ang water concessionaires.

Ayon sa sources sa unyon, nais umanong papasukin nina Esquivel at Caparas ang kanilang mga ‘bata’ o mga kaibigang real estate developers sa MWSS at parte-partehan ang iba pang mga hindi na-develop na concession areas tulad ng Bulacan at iba pang bahagi ng Kamaynilaan.

Napapabayaan umano nina Esquivel ang kanilang tungkuling palaguin ang MWSS dahil abala sa pagpaplano kung paano sisibakin ang mga empleyadong nagsampa sa kanya ng kaso.

Labing-isang kaso ng katiwalian ang naisampa kay Esquivel sa tanggapan ng Ombudsman dahil sa tiwaling gawain sa ahensya. Pinaiimbestigahan din ng Kongreso si Esquivel matapos matuklasan ni Congressman Jonathan dela Cruz ng partylist na Abakada ang maanomalyang gawain sa loob ng ahensya.

Pinaiimbestigahan na ngayon sa Kongreso ni Congressman Jonathan dela Cruz ang MWSS board, hindi lamang sa ilegal na paghirang ni Esquivel, kundi rin ang desisyon ng board na laspagin ang milyon-milyong piso bilang bonus at allowances.

Mahigit P400,000 piso ang tinanggap ni Esquivel mula sa corporate funds ng MWSS. Tig-kalahating milyong piso naman sina MWSS administrator Emmanuel Caparas at ang kanyang deputy, si Vince Yambao.

Ayon sa mga grupo, nailagay lamang sa pwesto si Esquivel bunga ng pagiging election contributor nito at dating kaklase ni Pangulong Aquino sa Ateneo de Manila University. Batay sa tala, mahigit P10 milyon umano ang ibinigay ni Esquivel sa election campaign ni Pnoy.

“ Wala namang naibigay na ginhawa ang MWSS sa mga mamamayan lalo na sa mga manggagagawa. Habang lunoy sa kahirapan ang mga empleyado ng MWSS, lumalangoy naman sa pera ang mga miyembro ng MWSS board, lalo na si Esquivel,” pahayag ni Luna, convenor ng CFC.

Nilustay din umano ang mahigit P74.36 mil-yon bilang allowances ni Esquivel at itinaas sa mahigit P17.03 milyon ang kanyang representation and transporation allowances.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *