Friday , November 22 2024

DILG sinugod ng Anakpawis

Sinugod ng mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Pag-asa, Quezon City kasama ang grupong AnakPawis, ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Agham Road.

Ilang minutong nahiga sa kalsada ang mga raliyista bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa anila’y paglalagay ng harang ng malalaking kompanya sa paligid ng kanilang tirahan.

Ang naturang lugar ay dini-develop bilang central business district ng Quezon City.

Nais ng mga raliyista na personal na idulog kay DILG Secretary Mar Roxas ang pagkakaroon ng maayos at disenteng malilipatan.

Nagbanta naman ng muling panghaharang sa EDSA ang mga raliyista sakaling hindi makinig ang gobyerno sa kanilang mga hinaing.

Matatandaan noong Hulyo, nagkaroon ng tensyon sa Agham Road matapos magbarikada ang mga residente ng Sitio San Roque.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *