Lucena,City—Nanganganib mapalitan ng dalawang gambling lord ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng Quezon, matapos mapag-alaman na hindi na nagpapakita sa mga politiko, PNP opisyal at ilang mamamahayag na malapit sa Jueteng Queen ng Southern Tagalog na si Rosario (Charing) Magbujos.
Ayon sa nakalap na impormasyon, may mabigat na karamdaman ang Jueteng Queen Rosario Magbujos, kaya pansamantalang isinalin muna ang kanyang ‘trono’ sa kanyang anak na si Joey.
Dagdag pa, hindi raw marunong ang anak makisama sa malalapit na kaibigan ng kanyang ina.
Kaya napagkaisahan ng ilang malalapit na kaibigan na kung maaari ay i-turn-over na ang kanyang Small Town Lottery (STL) sa dalawang Jueteng King na sina, Bong Pineda ng Pampanga at Press Salud ng lalawigan ng Batangas.
(Raffy Sarnate)