Monday , December 23 2024

NLEX handang umakyat sa PBA

PINAG-IISIPAN na ng North Luzon Expressway ang pag-akyat nito sa PBA bilang expansion team sa susunod na taon.

Sinabi ng pangulo ng NLEX na si Rodrigo Franco na ang pagiging kampeon ng Road Warriors sa PBA D League ay isang senyales ng pagiging handa na maging ika-11 na koponan sa liga.

“We have always made sure that this team is formidable and competitive. And you can see it with their performance in the D-League. So it can be ready for elevation,” wika ni Franco.

Kung matutuloy ang pag-akyat ng NLEX sa PBA, magiging ikatlong koponang may-ari ni Manny V. Pangilinan bukod sa Talk ‘n Text at Meralco.

llan sa mga manlalaro ng NLEX na nasa PBA na ay sina Calvin Abueva, Chris Ellis at Cliff Hodge.

Ilan ding mga Road Warriors ay kasama sa PBA Rookie Draft ngayon tulad nina Greg Slaughter, Ian Sangalang, Nico Salva at RR Garcia.       (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *