Aries (April 18-May 13) Ang gadgets at bagong devices na dapat ay magpapadali ng iyong trabaho ay magdudulot sa iyo ng kalituhan.
Taurus (May 13-June 21) Mag-ingat sa iyong pagiging arogante. Maaaring seryosohin ng iba ang iyong mga komento.
Gemini (June 21-July 20) Ang sariling imahe ay maaaring maging mahirap na isyu sa iyo. Maaaring ipininta mo ang iyong sarili sa katauhang hindi naman ikaw.
Cancer (July 20-Aug. 10) Pakiramdam mo’y wala kang mapagbalingan. Ang katotohanan ay mahirap harapin.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Malakas ang iyong loob. Kaya mong lusutan ang ano mang sigalot.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Pakiramdam mo’y ikaw ang tagapamagitan ng dalawang kampo, o maaaring ikaw ang kailangan ng tagapamayapa.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mag-ingat sa pagtrato sa lahat ng bagay bilang personal na opensa. Maaaring masaktan ang iyong emosyon sa hindi mainam na aksyon ng iba.
Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring madismaya sa mahirap na tensyong kinasusuungan. Iniisip mong bakit halos lahat ay hindi mo makasundo.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring may mamuong tensyon sa mga kaibigan nang isa sa kanila ay mag-akalang hindi na siya pinapansin.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang iyong mga pangarap ay maaaring hindi reyalistiko. Mayaman ang iyong imahinasyon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sa puntong naging banayad na ang iyong pagkilos, muli namang titindi ang takbo ng sitwasyon.
Pisces (March 11-April 18) May taliwas na desisyon ang dalawang panig ng grupo kaugnay sa proyekto. Kung sila ay magkakasundo, magtatagumpay kayo.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring mahirapan kang isulong ang mahirap na sitwasyon. Kailangan mo ng suporta.
Lady Dee