Apat na malalaking pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang nakalinya ngayong buwan ng Nobyembre at Diseyembre sa pagtatapos ng taon 2013.
Unang aarangkada ang 1,000 meters na Grand Sprint Championship na may nakalaang P1-milyon sa Nobyembre 10 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.
Maghaharap ang pitong kalahok na sina Fierce and Fiery, Si Senior, Don Albertini, Lord of War, C Bisquick, Tiger Run at Sharpshooters.
Susundan ito sa Nobyembre 17 ng Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup sa Malvar, Batangas na may papremyong P2-milyon.
Dito, inaabangan ang malaking laban ng Hagdang Bato, Crusis at Juggling Act.
Sa Disyembre ay nariyan ang P1 milyon na papremyo para sa Grand Derby bago ang Juvenile Championship na may papremyong P2.5 milyon.
Inaasahan na walong magagaling na contender ang maghaharap sa naturang karera na kabibilangan ng Matang Tubig, Young Turk, River Mist, at Mr Bond, Marinx, Kukurukuku Paloma, Up and Away at Skytway na pawang naglaban-laban sa katatapos na Juvenile Stakes race.
Kabilang din sa paghahandaan ng mga naturang mananakbo ang Chairman’s Cup sa 2014 bago ang 2014 Triple Crown Championship.
Ni andy yabot