Muling sinabotahe ang mga website ng pamahalaan ng grupong “Anonymous Philippines” sa harap ng kontrobersya ng korupsyon kaugnay ng pork barrel fund at Disbursement Acceleration Program (DAP).
Batay sa Facebook account ng grupo, dose-dosenang websites ang kanilang ini-hack mula Sabado ng hatinggabi kabilang ang Tanggapan ng Ombudsman, Philippine National Railways, Optical Media Board (OMB) at mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa grupo, ito ang pinakamadaling paraan para ihatid ang kanilang mensahe sa mga Filipino dahil sa hindi tamang demokrasya at makasariling politiko.
“We apologize for this inconvenience, but this is the only easiest way we could convey our message to you, our dear brothers and sisters who are tired of this cruelty and this false democracy, tired of this government and the politicians who only think about themselves.”
“The government, in many ways, has failed its Filipino citizens. We have been deprived of things which they have promised to give; what our late heroes have promised us to give,” banggit pa ng grupo sa mga website.
Nais ipaalala ng “Anonymous Philippines” sa gobyerno ang: “fairness, justice and freedom are more than words. They are perspectives.”
Hinihimok ng grupo ang publiko na makiisa sa martsa sa Batasan Pambansa sa Martes, Nobyembre 5.
Ala-1:00 Linggo ng hapon, tatlo pa lamang ang naibabalik sa normal kabilang ang GSISMotor Claims Services, Sugar Regulatory Administration at National Metrology Laboratory.