NAGKAKANDAKUMAHOG si Justice Secretary Leila De Lima na kanselahin ang passports nina senators Johnny Ponce Enrile, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at 37 iba pa na sangkot umano sa P10-billion pork barrel scam.
At ‘yan daw ay may basbas ng Palasyo, kaya naman pursigido si Justice Secretary De Lima na tanggalan ng pasaporte ang tatlong senador at iba pa.
Ang ipinagtataka lang natin, bakit MAKUPAD si Justice De Lima sa pag-aksyon naman laban sa Napoles ng JUDICIARY na si Arlene Angeles Lerma a.k.a. Ma’am Arlene.
Pumutok na ang balitang pinaiimbestigahan ng Supreme Court si Ma’am Arlene pero hindi pa agad ipinalagay sa lookout bulletin sa Bureau of Immigration kaya nakapuslit pa nitong October 16.
Samantala, sa ibang kaso ay napakatulin umaksiyon ni Secretary De Lima.
Aba, mukhang nakaabot na rin ba ang kamandag ni Ma’am Arlene sa Department of Justice (DoJ)?
Mukhang may naaamoy tayong malansa rito Madam Leila?!
Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, mukhang may pangangailangan na madaliin ninyo ang isinasagawang imbestigasyon laban sa tinatawag na ‘bigtime court fixer’ at ‘decision broker’ na si Ma’am Arlene.
Bilis-bilis din kapag may time, Associate Justice Leonen!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com