HINAHABOL daw ngayon ng Bureau of Internal Revenues (BIR) ang mga TIANGGE na lumalakas tuwing malapit na ang Kapaskuhan.
‘Yang mga tiangge-tiange na ‘yan ‘e sila po ‘yung mga nagtitinda nang walang resibo.
Actually, maliit lang din ang po ang kinikita ng iba d’yan. Pero ang kumikita nang milyon-milyon d’yan ay ‘yung mga ORGANIZER.
Nagbabayad ba sila ng tamang buwis sa BIR?!
‘Yung mga ON-LINE SHOPPING lalo na ng mga signature bags and other apparel, nagbabayad ba sila ng tax sa BIR?!
Ang dami n’yan sa social site gaya ng facebook at Instagram.
Madam Kim Henares, marami kayong dapat habulin … huwag ninyong katutukan ang Bureau of Customs dahil may mga tao naman na nakatalaga d’yan para asikasuhin ‘yan.
Hindi natin sinasabing patigilin ninyo ang ganyang mga negosyo o aktibidad, kundi gumawa kayo ng sistema kung paano ninyo sila pagbabayarin ng buwis.
Para maging parehas naman sa ibang hinahabol at pinagbabayad n’yo ng buwis.
Isama na rin nyo si Ma’am Arlene!
‘Yun lang po Madam Kim.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com