Monday , November 25 2024

Sports advocacy pinatibay ng Globe (Malditas at Muzang football teams sinuportahan)

OPISYAL na sinimulan ng Globe Telecom ang kanilang sports advocacy program, ang Globe Sports na sumusuporta sa dalawang koponan na pambato ng bansa sa larangan ng football, ang Philippine women’s national football team na Malditas at ang Philippine national futsal team na Muzang.

Layunin ng Globe Sports na tulungan ang mga atletang Pinoy na may kakayahang pang world-class at pagpapatibay ng kamalayan sa larangan ng sports sa iba’t ibang Globe CSR communities upang makadiskubre ng mga “grassroots talents.”

“Through this advocacy, we are effectively strengthening sports development in the country. Football is just the first step because our sports advocacy is not a mere sponsorship channel but it’s actually a long term partnership to develop sports programs for our Globe CSR communities,” pahayag ni Ernest Cu, Presidente at CEO ng Globe.

Bago pa man ang opisyal na paglulunsad ng kanilang sports advocacy, sinusuportahan na ng Globe ang Green Archers United Football Club o GAU FC sa United Football League pati ang Captain ng Azkal na si Chieffy Caligdong, DLSU Greenhills Football Team at ilang pang Futsal tournaments mula nakaraang taon.

Sa pagsuporta sa Malditas at Muzang kabilang ang GAU FC at DLSU Greenhills Football Team, ang Globe ngayon ang pinakamalaking stakeholder ng football sa bansa. Dadalhin ng mga koponang ito ang “Globe Football Para Sa Bayan” bilang kanilang CSR Football advocacy.

Sa darating na Oktubre 26, gaganapin ang pinakamalaking “Globe Football Para Sa Bayan” sa DLSU Zobel Globe Football Field sa Ayala Alabang Village. Makikilahok sa pagdiriwang ang Gawad Kalinga, Futcaleros, Dream Big Pilipinas, Pinay FC at Payatas FC. Pangungunahan ni Caligdong at iba pang atleta mula sa Malditas ang football clinics katuwang ang DLSU Greenhills at Zobel Football teams.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *