Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA board magpupulong sa Australia

\AALIS bukas ang lahat ng  miyembro ng PBA Board of Governors patungong Sydney, Australia, para sa dalawang araw na planning session doon mula Linggo hanggang Lunes.

Pakay ng lupon ang pag-usapan ang ilang mga bagay tungkol sa bagong season ng liga at ang pagtulong nito sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa Espanya mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14 ng susunod na taon.

Sa nasabi ring planning session ay pormal na iluluklok si Ramon Segismundo ng Manila Electric Company bilang bagong tserman ng PBA board kapalit ni Robert Non ng San Miguel Corporation.

Magiging pangunahing usapan ng PBA board ang ambisyosong pagbubukas ng bagong PBA season sa Nobyembre 17 kung saan sabay-sabay na magkakaroon ng laro sa nasabing araw na may temang “Luzon, Visayas, Mindanao: One Nation”.

Sa ilalim ng plano, gagawin ang opening ceremonies sa alas-2 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum at susundan ito ng isang laro sa Big Dome sa alas-3 kung saan isa sa mga koponang lalaro ay ang Barangay Ginebra San Miguel.

Sa alas-5 ng hapon ay magtutunggali ang Rain or Shine at Alaska Milk sa Davao City at sa alas-7 ng gabi naman ay maghaharap ang Talk ‘n Text at Meralco sa Cebu City.

Sinabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial na ang planong ito ay pakana ng TV5 na brodkaster ng liga.

Samantala, sinabi ng marketing director ng PBA na si Rhose Montreal na malaki ang posibilidad na ibabalik ng liga ang All-Star Weekend sa Maynila sa susunod na taon.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …