DATI po kapag nakikita ko ang mga taga-BASECO, nakikita ko sa kanilang mga mata ang takot at insecurities dahil sa araw-araw na lang ay mayroong pinapaslang sa kanilang komunidad.
At karamihan po d’yan unresolved cases.
Ang sabi po nila sa inyong lingkod, “kasi po ‘yung mga ibinoboto namin noong una hanggang eleksiyon lang magagaling, kapag nakaupo na, nalilimot na po nila kami.”
‘Yung mga lider naman umano nila na kinakitaan nila ng sinseridad at tunay na paglilingkod ay pinapaslang ng mga ‘hoodlum’ sa kanilang lugar.
Sa mga nagdaang eleksiyon sa kanilang lugar, talamak ang VOTE BUYING, takutan at patayan.
Para nga raw silang wala sa Maynila, dahil sa mga nagaganap na pandarahas sa kanila.
Ngayong ilang araw na lang at muli na naman silang maghahalal ng kanilang mga bagong lider hinihiling nila sa mga awtoridad, sa media at sa national government lalo sa Comelec na sana’y pagtuunan ng pansin ang kanilang lugar.
Mayroon na kasing ilang grupo ang nagbabanta at nananakot sa mga botante.
Alam po nating mahirap ang ganyang kalagayan.
Pero ang lulutas po ng problema ninyong ‘yan ay kayo mismong mga taga-BASECO.
Bumoto po kayo nang tama.
Huwag po ninyong ipagpalit ang inyong sagradong boto sa kakarampot na kwarta, bigas o de lata.
Kung mayroon pong mga politiko na nag-aalok sa inyo n’yan i-reject po ninyo. Kasi ibig sabihin po n’yan hindi nila kayo paglilingkuran nang tama dahil ang katwiran nila, nabili nila ang boto ninyo.
Sa ngayon po, ang dapat ninyong gawin ay PROTEKTAHAN ninyo ang inyong BOTO para sa pagsusulong ng TUNAY na PAGBABAGO sa BASECO!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com