Balik ang pakarera ngayon sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) at paniguradong daragsa ang mga BKs sa mga OTB para sa inaabangan na carry over sa WTA event na nagkakahalaga ng mahigit sa P1.5M, kaya maagang bumili ng programa at gamit sa pagrebyu.
Sa mga programa simula kahapon ay hindi pa nga nalalargahan ang tampok na pakarera ng Klub Don Juan de Manila (KDJM) at Sampaguita Stakes Race sa Linggo ay may nakahanda na naman na dalawang malaking pakarera ng tanggapan ng PHILRACOM, iyan ang “Special Incentive Race for 2YO (Non-Placers)” sa Nobyembre 3, 2013 sa pista ng SAP at pagkaraan ng isang linggo ay malapit na rin ang “Grand Sprint Championship” naman sa SLLP.
Kaya mga klasmeyts pagpasok ng susunod na buwan ay sunod-sunod na ang malalaking pakarera ng PHILRACOM.
Sa pagkakataong ito ay binabati ko ang aking anak na si Kristela Camille R. Magno sa kanyang kaarawan, kasama sa aking pagbati ay sina Mama Dhi, Ate Kaye at Clarence.
Fred Magno