Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 utol ni Gigi Reyes swak sa tax evasion

DALAWANG kapatid ni Atty. Gigi Reyes, ang kontrobersyal na dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile, ang kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sina Neal Jose Gonzales at Patrick Gonzales, presidente at treasurer ng MGNP Incorporated na isang realty company sa ilalim ng Ortigas & Company sa Pasig, ay pormal nang kinasuhan sa Department of Jusitce (DoJ).

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, hindi naghain ng income tax return (ITR) ang dalawa para sa mga taon 2011 at 2012, at nagsumite ng quarterly VAT returns para sa 2009, 2011 at 2012.

Sa pagsisiyasat, na-kabili ang MGNP ng Paseo de Magallanes property noong 2009 sa halagang P43.2 milyon ngunit hindi ito idineklara.

Nakabili naman ang MGNP noong 2011 ng P150 milyong property ngunit walang ITR at VAT return para sa transak-siyon.

Pagsapit ng 2012, naibenta ng kompanya ang isang lupain na nagkakahalaga ng P81.72 milyon.

Sa kabuuan, sinabi ni Henares, aabot sa P190.4 milyon ang dapat bayaran ng kompanya ng magkapatid.

Iniuugnay si Gigi Reyes sa pork barrel scam dahil sa sinasabing pakikipagsabwatan kina Enrile at Janet Napoles.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …