Friday , November 22 2024

Ornamental freshwater fish hobbyists papayuhan ng OFBEAP members

Ang ornamental freshwater fish hobbyists ay sinisiguradong makakakuha ng  best value for money sa kanilang pagbili ng fish items at aquarium accessories sa mga tindahan sa loob ng Las Farolas fish world sa Frontera Drive katabi ng Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City.  Ito’y dahil ang mga tindahan ay pinatatakbo ng founding members ng Ornamental Freshwater Fish Breedes and Exporters Association of the Philippines (OFBEAP) na itinatag upang i-develop ang ornamental freshwater fish industry bilang major backbone upang palaganapin ang conservation at preservation ng endemic aquatic wildlife sa bansa.

Sa kanilang sapat na karanasan at kakayahan sa pagbi-breed at pagpapalaki ng ganitong mga species, ang founding members –  Jojo Velasco ng Mojo’s Aquatic Escape, Edmar Acorin ng Acorin Petshop, Joseph Cabral ng Primo Aquatics Trading, Dennis Hipolito,  Lodeth Avila ng L.A.B.’s Pet Essentials, Bernard Cenizal ng  Joy-Joy Petshop at Antonio Baldo ng Fishaholics – ay puedeng magbigay ng payong propesyunal sa ornamental freshwater fish hobbyists sa wastong pag-aalaga ng ganitong mga species tulad ng pagpapakain, pangangalaga ng kalusugan at water parameters.Bukod pa rito, hihikayatin din ng mga founding members ang mga hobbyists na itaguyod ang adbokasiya ng OFBEAP sa preservation at protection ng endemic freshwater species bago maglaho o mawala ang mga ito.

Ayon kay Henry G. Babiera, OFBEAP president at President/CEO of Moment Philippines na nagpapatakbo ng Las Farolas, ang OFBEAP na binuo nung isang taon, ay makikipagtulungan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Departmnet of Agriculture para sa preservation at conservation ng endemic freshwater species sa pamamagitan ng research, breeding at growing-out facility.

“Pag-iibayuhin ng OFBEAP ang pagtulong sa local freshwater fish breeders at exporters industry na mapalago ang kanilang maliit na kalakal tungo sa malakihang produksyon na puedeng maikalakal sa iba’t ibang parte ng mundo kung saan may malaking demand ito. Panahon na upang ang Pilipinas ay makakuha ng bahagi nitong multi-million dollar industry na namamayagpag sa mga kalapit na bansa tulad ng China, Thailand at Indonesia, “ pahayag ni Babiera. Idiniin din niya na ang OFBEAP, na kinikilala ang halaga ng mga isda bilang bahagi ng food chain, ay mangunguna sa  aggressive development ng local freshwater fish breeding at exporting industry na magpaparami ng empleyo at magbibigay ng karagdagang kita sa pamahalaan sa pamamagitan ng export earnings.

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *