Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kerby pinalakas ang MERALCO — Antonio

NANINIWALA ang team manager ng Meralco na si Severino “Butch” Antonio na magiging mas malakas ang Bolts sa darating na PBA Philippine Cup dahil sa pagdagdag ni Kerby Raymundo sa lineup nito.

Sa panayam sa radyo noong isang gabi, sinabi ni Antonio na ang pagdagdag kay Raymundo ay makakatulong sa ilalim ng Meralco.

Pinakawalan ng Bolts si Jay-R Reyes sa Barangay Ginebra San Miguel upang makuha si Raymundo na muling makakasama ang kanyang dating coach sa Purefoods na si Ryan Gregorio.

Bukod kay Raymundo, nagpalakas din ang Meralco dahil sa pagkuha kina Gary David at AJ Mandani mula sa Globalport, Rabeh Al-Hussaini mula sa Talk ‘n Text at Bitoy Omolon mula sa Air21.

Itinapon ng Bolts si Mac Cardona sa Express at si Chris Ross sa Batang Pier.

“I have a positive outlook about the team,” wika ni Antonio. “These are moves in the right direction because they filled up positions which the coaching staff wants. We should make the semis more  often with this group.”

Pumasok ang Meralco sa semis ng PBA Governors’ Cup ngunit natalo sila sa San Mig Coffee.

Inaasahang ipapasok ni Gregorio sina Raymundo at David sa first five ng Meralco sa darating na Philippine Cup kasama sina Mike Cortez, Reynel Hugnatan at Jared Dilinger.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …