WALANG IBIG TUMESTIGO PARA ITURO ANG MGA PUMASLANG KINA TATAY LANDO AT ATORNI LANDO JR.
Binalaan daw sina Tatay Lando at Atorni Lando Jr. ng opisyal ng sundalo na “Tumigil na kayo bago pa ako mismo ang tumapos sa kahibangan n’yo.”
“Paglaban ba sa pamahalaan ang paghahayag ng mga katotohanan na tinatalikuran ng mga nasa kapangyarihan dahil kasalungat ng kanilang mga interes?” ang sabi pa ng matandang babae.
Ang masakit pa kay Nanay Melba, walang ibig tumestigo sa naganap na pamamaslang. Pati nasakyang tricycle driver ng mag-ama ay tikom ang bibig sa takot na madamay. Ayaw magsalita kung sinu-sino ang mga berdugo ng anak at asawa nito.
“Nasa morge pa ng punerarya ang bangkay ng mag-ama,” pinahid ni Nanay Melba ng puting panyo ang nangingilid na luha sa sulok ng mga mata. “Mama-yang gabi pa ilalagak ang kanilang mga labi sa simbahang Katoliko sa bayan.”
Dala ng pinapasang mga problema, alam ni Delia na hindi nito masisilip man lang ang burol ng mag-amang Tatay Lando at Atorni Lando Jr. Sa matamang pakikinig ng maybahay ni Mario sa tani-tanikalang mga hinagpis ng matandang babae, kahit paano’y naipadama nito ang taos-pusong pakikiramay at pakikisimpatiya.
“Sa akala ba ng mga nasa kapangyarihan, mapipigil nila ang daing at panaghoy ng nagdurusang mamamayan sa pamamagitan ng mga pagpatay?
(Subaybayan bukas)
Rey Atalia