Monday , December 23 2024

Crop insurance isinusulong ng solon (Para sa mga magsasaka)

101713_FRONT
DAHIL sa sunod-sunod na pananalasa ng kalamidad sa sektor ng agrikultura, iginiit ngayon ni COOP NATCO Partylist Rep. Anthony Bravo sa Kongreso ang agarang pagpasa ng kanyang panukalang batas na naglalayong buhusan ng pamahalaan ng sapat na pamumuhunan ang crop insurance upang “bigyan ng paseguro ang puhunang isinugal ng ating mga magsasaka,” lalo na sa produksiyon ng bigas.

Ang panukalang batas ni Bravo, kung maipapasa, ay aamyenda sa Agricultural Competitiveness Enhancement Fund Law (ACEF Law) upang ilagak ang sampung porsyento sa kita nito para sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), P12 bilyon ng sinasakang palay ang nasira mula 1995 hanggang 2005 at base sa kanilang pagtaya, umaabot sa 4.1 milyong ektarya ng sakahan ang taunang nasasalanta ng bagyo.

“Ang sektor ng pagsasaka ay laging nasa peligro dahil walang katiyakan sa klima at panahon sa ating bansa. Ang epekto ng pananalasa ng mga bagyo at iba pang peligro sa agrikultura ay dapat na binibigyang atensyon ng gobyerno dahil ito ang pangunahing kabuhayan ng maliliit na magsasaka,” ayon sa mambabatas.

Ang agricultural insurance, ayon kay Bravo, ay isang programa ng gobyerno sa ilalim ng pangangasiwa ng PCIC at ito ay “nagbibigay ng proteksyon ng paseguro sa ating mga magsasaka at iba pang namumuhunan sa sektor ng agrikultura laban sa lubusang pagkakalugi dahil sa pananalasa ng kalamidad, peste, sakit at iba pang mga panganib sa kanilang hanapbuhay.”

Ngunit ayon sa mambabatas, “napabayaan ng pamahalaan ang obligasyon na pondohan ang nasabing programa.”

“Napakaliit ng mga dumating na ambag sa kapital mula sa gobyerno at napalala pa ng hindi pagbabayad o huling pagbabayad ng sapi ng pamahalaan sa premium ng traditional lines. Kaya kung titingnang mabuti, lumulobo na ang bayarin ng national government sa arrears dito.”

Kung mapagbibigyan ng kaukulang pondo ang PCIC mula sa ACEF, ang pagtaya ni Bravo ay “mapupunan ang lumalaking kakulangan sa pondo at matutugunan ang pangangailangan sa paseguro ng ating mga magsasaka sa kanilang mga pananim.”

Batay sa Republic Act 8178, ang kita mula sa buwis na kinukolekta ng mga ahensya ng gobyerno mula sa produktong agrikultura gaya ng bigas ay napupunta sa ACEF. Ito dapat ang inilalaan para sa irigasyon, mga farm to market roads, mga pasilidad at kagamitan sa post harvest, credit, sa pananaliksik, sa marketing infrastructure, sa impormasyon hinggil sa pangangalakal ng produkto, pagsasanay, extension services, at iba pang uri ng ayuda at suporta para sa sektor ng agrikultura.

Umaabot sa P1.7 bilyon ang nakokolektang buwis at mga bayarin ng mga ahensya ng gobyerno dahil sa pag-angkat ng bigas ngayong taon. Ito ay bayaring pasan-pasan ng National Food Authority (NFA) na nag-angkat ng bigas sa ilalim ng government-to-government transaction o (G2G).

Noong nagdaang buwan lamang, nauna nang ibinunyag ng Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative na pinamumunuan ni Atty. Tonike Padilla na mas papabor para sa pamahalaan kung papayagan ang pribadong sektor na umangkat ng bigas dahil ang mga kokolektahing buwis mula sa mga transaksyon nila ay “napasakamay na sana ng pamahalaan.” Ang paninindigang ito ay sang-ayon din sa opinyon ng National Economic and Development Authority na nagsabing saklaw ng pribadong sektor ang importasyon ng bigas, sabi pa ng abogado, dahil maraming pag-aaral na ang nagsabing hindi bagay sa gobyerno ang importasyon dahil ito ay “graft-prone.”

Marami rin mga mambabatas, gaya ni Senador Loren Legarda, ang nauna nang nagbabala hinggil sa pangangailangang buhusan ng ayuda ang sektor ng agrikultura sa gitna ng pananalasa ng kalamidad sa bansa at peligrong dala ng nagbabagong klima. Noong mga nagdaang buwan, inihayag ng mambabatas na ang kailangan ng mga lugar na naapektohan ng mga bagyo at kalamidad ay ang tulong ng pamahalaan upang “mapabilis ang pagbangon ng kanilang sektor tungo sa matatag na suplay ng pagkain at upang sugpuin ang pagtaas ng presyo ng mga batayang produkto.”

Maraming panukala si Legarda hinggil sa pagpapanipis ng epekto ng nagbabagong klima sa mga magsasaka, gaya na lamang ng kaukulang paglalaan ng mas malaking pamumuhunan sa pananaliksik at impraestruktura, maayos na pangangasiwa ng yamang tubig at yamang lupa ng bansa pati na ang mga polisiya hinggil dito, mas maayos na kagamitan at teknolohiya sa pagtaya ng panahon, mas matatag na extension system upang tulungan ang mga magsasakang palaguin ang kanilang kakayahan at pagkakataon sa hanapbuhay, at tugunan ang ang pangangailangan nila sa pautang at paseguro sa kanilang mga sinasakang produkto. Ito ay dahil nais ng mambabatas na lalo pang palaguin ang pag-unlad sa kakayahan ng sektor ng pagsasaka na alalayan ang pamahalaan sa pag-abot sa food security goals ng bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *