PAGKATAPOS talunin ni Timothy Bradley si Mexico’s Juan Manuel Marquez sa Thomas & Mack Center at mapanalunan ang WBO welterweight crown, mainit na ngayong pinag-uusapan ang rematch nila ni Manny Pacquiao.
Noong linggo ay naglista ng malaking upset si Bradley nang talunin niya si Marquez via split decision.
Maging si Roger Mayweather, tiyuhin at trainer ni Floyd, na nagsasabi na hindi na nga maiiwasan ang muling paghaharap nina Pacquiao at Bradley sa isang rematch. Matatandaan na tinalo ni Bradley ang Pambansang Kamao sa isang kontrobersiyal na desisyon kung kaya naghahangad ng isang rematch ang Pinoy boxer.
Ayon kay Roger ay tumaas ang kredito ni Bradley nang talunin niya si Marquez.
”It was a pretty good fight,” pahayag ni Roger. “It was alright. He didn’t have no dominating performance but he won.”
Nang tanungin ng mga mamamahayag kung anong bagay na iginalaw sa ring ni Bradley ang nagpa-impress kay Roger—agad namang umiling ito.
“The only thing that impressed me was who he said he wanted to fight,” pang-aasar ni Roger. “He said he wanted to fight Floyd Mayweather.”
Sa napipintong rematch nina Bradley at Pacquiao, agad namang nagbigay ng pahayag si Roger at sinabing mananalo si Bradley sa magiging rematch.
Dagdag niya na sa lumipas na 16 months mula sa una nilang laban ay marami nang nabago kay Bradley. At malinaw na tatalunin na niya si Pacquiao sa muli nilang paghaharap.
“He’ll beat Pacquiao,” pahayag ni Roger. “I think he’ll beat Pacquiao.”