Friday , November 22 2024

Bohol 7.2 quake death toll 144, 291 nasugatan, 23 nawawala (832 aftershocks naitala)

UMABOT na sa 144 ang patay sa naganap na 7.2 magnitude quake kamakalawa.

Iniulat ng NDRRMC, pinakamarami pa rin namatay ang malapit sa sentro ng lindol sa lalawigan ng Bohol.

Bukod dito, umaabot na sa 291 ang mga sugatan at mayroon pang 23 nawawala.

Kinompirma rin ng NDRRMC na ang mga bayan ng Maribojoc at Loon ay isolated ngayon dahil sa mga landslide.

Maraming mga residente ang nagpaabot ng panawagan sa paghingi ng tulong sa gobyerno partikular sa gamot at pagkain.

Samantala, muling niyanig ng magnitude 5.1 aftershock ang Tagbilaran City kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig dakong 10:42 a.m.

Una rito, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 832 aftershocks ang kanilang naitala matapos tumama kamakalawa ang magnitude 7.2 na lindol sa bayan ng Carmen, Bohol.

Napag-alamang magdamag naramdaman ng mga Cebuano ang mahihinang pagyanig kasunod ng nangyaring 7.2 magnitude na lindol kamakalawa ng umaga sa probinsya ng Bohol at Cebu.

Sa tuwing may magaganap na aftershocks ay nagmamadaling lumalabas ng kanilang bahay ang mga tao habang ang iba ay sa kalsada nagpalipas ng gabi upang maiwasan ang posibleng pagguho ng kanilang bahay.

Ang iba naman ay mas piniling manatili sa loob ng kanilang bahay at idinaan sa dasal ang takot at pangamba.

TULONG SA NILINDOL  TINIYAK NI PNOY

INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III na may tiyak na tulong sa mga apektado ng magnitude 7.2 na lindol sa bahagi ng Visayas.

Kasabay ng kanyang personal na pagbisita sa lalawigan ng Bohol na sentro ng lindol, sinabi ni Aquino na bagamat hindi niya maipapangako ang buong resources ng pamahalaan, gagawa siya ng paraan para makaahon sa kalamidad ang mga biktima ng lindol kaagapay ang pribadong sektor.

“I just don’t wanna commit right now but you can expect me to help getting the private sector to help,” wika pa ng pangulo.

Kasabay nito, pinuna ni Aquino ang mga kababayang imbes tumulong ay nakadagdag pa sa pinsala sa takot na idinulot ng trahedya sa pamamagitan ng pagbigay ng maling impormasyon.

(ROSE NOVENARIO)

P15-B FUND SA QUAKE VICTIMS  ISINULONG SA SENADO

ISINULONG ni Senator Bam Aquino ang paglikha ng P15-billion rehabilitation fund para tulungan ang mga lalawigan sa Visayas at iba pang bahagi ng Mindanao na makabangon mula sa matinding pinsalang dulot ng 7.2-magnitude earthquake na tumama sa Central Visayas noong Lunes.

“Saklaw ng nasabing pondo ang lahat ng aspeto  ng  rehabilitasyon upang matulungan ang mga lalawigang gaya ng Bohol at Cebu na makabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad na ito,” wika ni Aquino, chairman ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship.

Ayon sa senador, malaking bahagi ng pondo ay gagamitin upang muling maisaayos ang mga lumang simbahan at iba pang tourism sites sa Bohol, isang lalawigan na nabubuhay sa turismo dahil sa mga tanyag nitong lugar tulad ng Chocolate Hills sa Carmen, at ilang siglo nang simbahan sa Loboc, Baclayon, at Dauis.

Gagamitin din ang pondo upang maisaayos ang mga negosyo at impraestruktura na nasira ng pagyanig sa lalawigan ng Cebu, na itinuturing na sentro ng negosyo at kalakalan sa rehiyon.

(NINO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *