Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arellano vs. St. Benilde

NAPAKANIPIS man ng tsansa ng Arellano University na makarating sa Final Four ay pipilitin ng Chiefs na panatiliin itong buhay sa pagtutunggali nila ng host Saint Benilde Blazers sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 m sa The Arena sa San Juan.

Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6 pm ay magtatagpo naman ang Mapua Cardinals at Lyceum Pirates na kapwa nalaglag na.

Ang Chiefs, na sa umpisa ng torneo ay isa sa mga paborito, ay minalas at nakapagtala pa lang ng anim na panalo sa 15 laro.

Kailangan nilang ma-sweep ang nalalabing tatlong games nila at hangarin na hindi na lumampas ng siyam na panalo ang San Sebastian Stags (9-7) at Emilio Aguinaldo College Generals (8-8) upang makapuwersa ng playoff para sa huling Final Four berth.

Nakapasok na sa Final Four ang Letran at San Beda na kapwa may twice-to-beat advantage at Perpetual Help.

Sa kanilang unang pagtatagpo noong Agosto 12 ay tinalo ng Saint Benilde ang Arellano, 69-62.

Ang Blazers na ngayon ay hawak ni coach Gabby Velasco ay may 5-10 record. Kung makakaulit sila sa Chiefs ay maisasama nila ang mga ito sa hukay.

Ang Chiefs ni coach Koy Banal ay pinangungunahan nina Prince Caeral, John Pinto, Levi Hernandez at James Forrester. Makakatapat nila ang mga Blazers na sina Paolo Taha, Mark Romero, Luis Sinco at Jonathan Gray.

Ang Lyceum ay galing sa 73-72 panalo kontra Jose Rizal University at may 6-10 record. Nangungulelat naman ang Mapua sa kartang 2-14 subalit mataas ang kumpiyansa matapos na magwagi kontra sa three-time defending champion San Beda, 81-76.

Tinalo ng Lyceum ang Mapua, 69-62 noong Hulyo 6.       (SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …