NAGDESISYON si Bobby Ray Parks na hindi na siya magpapalista sa PBA Rookie Draft sa Robinson’s Place Manila sa Nobyembre 3.
Sinabi ng kanyang ahenteng si Charlie Dy na tatapusin ni Parks ang kanyang pag-aaral sa National University at lalaro siya para sa Banco de Oro sa PBA D League.
Lalaro rin si Parks sa RP team na lalahok sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Idinagdag ni Dy na hindi talaga puwedeng magpalista si Parks sa draft dahil sa Pebrero pa ng susunod na taon ito magdiriwang ng kanyang ika-21 na taong kaarawan na isa sa mga patakaran ng PBA para sa mga draftees.
Bukod dito, kailangang magtapos ng kolehiyo ang aplikante.
Dahil dito, malamang ay hindi na lalaro si Parks para sa NU sa susunod na UAAP season.
Nadismaya si Parks nang matalo ang Bulldogs sa Final Four ng UAAP kontra University of Santo Tomas. (James Ty III)