Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DepEd supervisor, mister utas sa hired killers (Principal sugatan)

CALASIAO, Pangasinan – Patay ang supervisor  ng Department of Education sa Pangasinan at ang kanyang mister na guro habang sugatan ang isang punong-guro matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo sa Brgy. Mancup sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mag-asawang napatay na sina Dr. Lelita Rancodo at Rolando Rancodo, parehong residente sa bayan ng Basista, Pangasinan.

Si Ginang Rancodo ay kasalukuyang school district supervisor ng DepEd District 1 ng Calasiao at nagtatrabaho rin bilang guro ang kanyang mister sa Calasiao I Central School.

Malubhang nasugatan sa insidente si Dr. Susan Espinoza, principal ng Songkoy Elementary School sa bayan din ng Calasiao.

Nabatid kay Supt. Noel Vallo, hepe ng Calasiao PNP, dakong 5:30 pm matapos magpakarga ng gasolina ang sasakyan ng mga biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at sila ay pinagbabaril.

Kabilang sa anggulo na tinututukan ng mga awtoridad sa insidente ay away sa manang lupa, love triangle at kaugnay sa trabaho ni Dr. Lelita Rancodo.

Bago ang insidente ay nagpa-blotter sa himpilan ng pulisya si Dr. Rancodo dahil sa natatanggap na death threats sa text messages.

(JAIME AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …