Friday , November 15 2024

93 patay, 200+ sugatan sa 7.2 lindol (22 simbahan pininsala)

101613_FRONT

101613 visayas lindol

GUMUHO ang 400-anyos estruktura ng San Pedro Church sa Loboc, Bohol, nang tamaan ng 7.2 magnitude earthquake ang Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao. Hindi rin nakaligtas ang Chocolate Hills view deck at national highway sa sa Carmen Bohol. (Grab sa Facebook mula sa kuha ni Robert Michael Poole)

UMAKYAT na sa mahigit 93 ang patay habang mahigit sa 200 ang sugatan matapos na tumama ang intensity 7.2 mag-nitude lindol sa lalawigan ng Bohol.

Iniulat ni NDRRMC spokesman. Maj. Reynaldo Balido, Jr., kabilang sa mga namatay ay 15 mula sa lalawigan ng Cebu at isa sa Siquijor.

Umaabot naman sa 77 katao ang namatay sa Bohol ayon kay Bohol Provincial Police Office director, S/Supt. Dennis Agustin, habang nasa mahigit 200 naman ang sugatan sa nasabing lalawigan, at umabot sa 22 simbahan ang nasira.

Sinabi ni Alfonso Damalerio, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) director, karamihan sa mga namatay ay mula sa bayan ng Loon na may 18, habang dalawa lang ang mula sa Tagbilaran.

Karamihan aniya sa namatay ay dahil sa landslides o pagguho ng lupa at pagguho ng kanilang bahay kasunod ng malakas na pagyanig.

Una rito, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na magnitude 7.2 ang tumama sa Carmen, Bohol dakong 8:15 a.m. kahapon.

Ayon kay Solidum, ang lokasyon ng lindol ay nasa dalawang kilometro sa timog na bahagi ng Nueva Vida Sur, Carmen, Bohol. Ang gumalaw aniya ay ang east Bohol fault.

Sa inisyal na ulat, naramdaman ang Intensity 6 sa Hinigaran, Negros Occidental; Intensity 5 sa Iloilo City; Intensity 4 sa Masbate City at Intensity 3 sa Davao City.

Inihayag ni Solidum na tectonic in origin ang lindol na may lalim na 33 kilometro.

Naitala rin na maraming lugar ang nawalan ng supply ng koryente.

Nagmistula ring ghost town ang lungsod ng Cebu makaraang magsara ang mga business centers dahil sa panaka-nakang aftershocks.

Umabot sa 22 simbahan na karamihan ay historical landmarks, ang sinira ng magnitude 7.2 na lindol, pagkompirma ni Bohol Board Member Cesar Tomas Lopez.

Ayon sa Heritage Conservation Society, kabilang sa nasira ay ang kilalang Loboc Church o Church of San Pedro Apostol sa Loboc, Bohol.

Ang Church of San Pedro Apostol ay ang ikalawang pinakamatandang simbahan sa Bohol. Napinsala ang main structure nito maging ang tatlong palapag na kombento at ang bell tower. Ang Loboc Church ay itinayo ng Jesuit missionaries noong 1602, at pinamahalaan ng Augustinian Recollects noong 1768.

Nasira rin ang Church of Our Lady of the Immaculate Conception o Baclayon Church sa bayan ng Baclayon.  Ang Baclayon Church ang pinakamatandang simbahan sa Bohol na ang unang estruktura ay ginawa noong 1595.

Ang Maribojoc Church at ang Church of Our Lady of the Assumption sa bayan ng Dauis ay napinsala rin ng pagyanig.

Sa Cebu, gumuho rin ang Basilica Minore del Santo Niño. Ang Basilica Minore ay itinatag ng mga Spanish explorers sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Ito ang pinakamatandang Catholic Church sa Filipinas. Dito nakalagay ang imahe ng Sto. Niño de Cebu na ibinigay ni Ferdinand Magellan sa kabiyak ni Rajah Humabon noong 1521. Idineklara itong national historical landmark noong 1941.

Nababahala naman ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pinsala sa mga simbahan sa Bohol na karamihan ay mahigit 100 taon na.

Sa tala ang nasirang mga simbahan bunsod ng lindol ayon sa Heritage Conservation Society ay ang Church of San Pedro Apostol – Loboc, Bohol; Church of Our Lady of Light – Loon, Bohol; Santissima Trinidad Parish – Loay, Bohol; Church of Our Lady of the Immaculate Conception – Baclayon, Bohol; Church of Our Lady of the Assumption – Dauis, Bohol; San Nicolas Church – Dimiao, Bohol; Santa Cruz Parish Church – Maribojoc, Bohol;  Basilica Minore del Santo Niño – Cebu; Cebu Metropolitan Cathedral – Cebu; at St. Catherine’s Church – Carcar, Cebu.

BOHOL QUAKE KATUMBAS NG 32 ATOMIC BOMBS

ITINURING na katumbas ng 32 atomic bombs na ginamit sa Hiroshima bombing noong World War II ang lakas ng magnitude 7.2 lindol na tumama sa Bohol at ilang bahagi ng Central Visayas at Mindanao.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) Director Renato Solidum, major earthquake ang kategorya ng lindol na tumama sa nasabing lugar dahil sa lakas nito.

“A magnitude 7 earthquake has an energy equivalent to around 32 Hiroshima atomic bombs,” ayon sa opisyal.

Sa katunayan, sinabi ng opisyal na mas malakas ang nangyaring lindol sa 7.0 earthquake na tumama sa Haiti noong 2010.

Ayon sa opisyal, tectonic ang dahilan ng lindol o ang paggalaw ng East Bohol fault at ito ay may lalim na 33 kilometers.

WALANG INDIKASYON  NG TSUNAMI — SOLIDUM

TINIYAK ni Phivolcs Director Renato Solidum na walang indikasyon na may tsunami na magaganap kasunod ng pagyanig ng magnitude 7.2 lindol kahapon ng umaga sa lalawigan ng Bohol.

Sinabi ni Solidum, walang dapat na ikabahala pa ang publiko sa nangyaring malakas na lindol.

Patuloy ang assessment ng mga awtoridad katuwang ang Office of Civil Defense (OCD) at ng lokal na pamahalaan.

Nanawagan ang Phivolcs na iwasan ang pagpa-panic sa malakas na paglindol.

Nanawagan din si Bohol Gov. Edgar Chatto sa kanilang mga residente na manatiling kalmado sa kabila ng naranasang malakas na paglindol.

STATE OF CALAMITY  SA CEBU, BOHOL

ISINAILALIM na sa state of calamity ng pamahalaang panlalawigan ang Bohol at Cebu kasunod ng 7.2 magnitude lindol na tumama sa malaking bahagi ng Region 7.

Ang hakbang ay pinagtibay ng ipinasang resolusyon ng dalawang provincial board.

Kinompirma ito ni Bohol board member Cesar Lopez kahapon.

“Ngayon hapon po ay magsasagawa kami ng special session, ang provincial board para po magdeklara ng state of calamity,” ayon sa opisyal.

nina J. SINOCRUZ/ B. JULIAN

PONDO SA KALAMIDAD SAPAT — PNOY

TINIYAK ng Palasyo na may sapat na pondo ang administrasyong Aquino para tustusan ang pangangailangan ng mga apektado ng sunod-sunod na kalamidad at trahedya sa bansa.

Ipinagmalaki ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na naging maganda ang paggugol sa kaban ng bayan kaya siguradong may pondong maibibigay ang pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad at trahedya.

Inihalimbawa niya ang standby funds mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na P8.7 milyon para sa Region 6 at 7 na tinamaan ng intensity 7.2 lindol kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

 

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *