Thursday , November 14 2024

P300-B Customs target collection kaya — Biazon

101513 BoC Biazon

IPINALIWANAG ni Bureau of Custom Commissioner Ruffy Biazon ang suggested policy ng Bureau of Finance (BoF) hinggil sa next-in rank succession, at inilinaw sa Kapihan sa Aduana sa pangunguna ni BoC Press Corps Pres. Chito Junia, na isang general policy na i-adopt ang nasabing patakaran. Bilang pagsunod na rin sa kautusan ng BoC, ipinaliwanag din ni Bia-zon ang target nilang P300-bilyon koleksyon ngayon taon. (BONG SON)

POSITIBO si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon na maaabot ng ahensiya ang target na koleskyon na P300 bilyon ngayon taon dahil na rin sa magandang performance ng Aduana kasabay ng mga repormang ipinapatupad rito.

“We’re in the last quarter of the year, the final push for us to reach our goal of collecting the right revenues for the government. Let us look forward to reaching the P300 billion mark this year,” ani Biazon sa isang panayam ng media.

Sa naunang data na inilabas ng ahensiya, sina-bi ni Biazon na ang aktuwal na cash collection noong nakaraang buwan ay umabot sa P25.57-bil-yon o 10 poryentong mas mataas sa parehong buwan noong 2012. Dahil dito, ang total revenue collection ay umaabot na sa P224.46 bilyon.

Dagdag ni Biazon, ang kabuuang koleksyon ay limang porsyento rin na mas mataas kompara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ganito rin ang luma-labas sa record ng Department of Finance (DoF) na mother unit ng BoC, na sinasabing nakakolekta ang ahensiya ng P199 bilyon mula Enero hanggang Agosto o 15 porsyento na mas ma-taas kompara sa parehong mga buwan noong 2012.

Anang dating mam-babatas mula sa Muntinlupa City, malapit na nilang maabot ang kanilang target lalo at lumalabas na mahigit P230 bilyon na ang kanilang nakolekta.

“With a little more push, we’ll reach P300-billion, “ sabi pa ng kom-piyansang si Biazon.

Samantala, inamin ni Biazon na bagamat med-yo humina ang kanilang koleksyon nitong Setyembre dahil sa malawakang balasahan ng mga opis-yal at empleyado na ipinatupad bilang bahagi ng mga reporma na kanyang isinusulong, hindi naman naapektohan ang kanilang kabuuang kolek-siyon, patunay dito ang data na kanyang naunang nabanggit.

“But we are still hopeful and we will be able to put forward and reach that goal that we have to reach P300-billion by yearend. That will be the first time the bureau will collect such a big amount. With the positive performance that we have, we’re encouraged that we can make it,” pagdidiin pa ni Biazon.

Dagdag ng Customs chief, malaki rin ang ina-asahan nilang makokolek-ta sa mga darating na buwan habang papalapit ang holiday season.

Ilan lamang sa mga kontroberysa na kinakaharap ngayon ng ahensiya ay ang pagpapatigil ng paglipat sa puwesto ng mga Customs collectors sa DoF matapos magpa-labas ang Manila regional Trial Court ng 20-day temporary restraining order.

Nauna nang nabanggit na ang paghina ng importasyon at ilang free trade agreements at marami pang iba ang ilan sa mga nakaaapekto sa ko-leksyon ng BoC.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *