PINARANGALAN ng Senado si Megan Young, ang kinatawan ng Filipinas sa katatapos na 2013 Ms World Competition kung saan nasungkit niya ang titulo laban sa mahigit isang daang mga delegado na kinatawan ng iba’t ibang mga bansa.
Ang pagpaparangal ng Senado ay ginawa matapos ang paghahain ng resolusyon ni Senador Grace Poe bilang pagkilala sa beauty queen at tagumpay ng Filipino sa larangan patimpalak sa ibanag bansa,
Ayon kay Poe, hindi matatawaran ang ganda ng isang Filipino na lubhang dapat ipagmalaki ng bawat kababayan.
Si Young na sinamahan ng kanyang mga magulang at Ms World promoter ay pinagkaguluhan ng mga empleyado ng Senado.
Bukod kay Young, pinarangalan din ng Senado si 2013 Supranational Mutya Johana Datul matapos mapagwagian ang kanyang korona.
Isa-isa namang kinamayan ng mga senador ang dalawang beauty queen na nagbigay ng malaking karangalan sa ating bansa.
(NINO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)