Friday , November 15 2024

Barbosa uminit sa Indonesia

UMARANGKADA na naman ang mga Pinoy woodpushers upang samahan si GM Darwin Laylo na nakikipagbuno sa top board.

Nagpakitang-gilas si GM Oliver Barbosa upang pangunahan ang mga Pinoy na sumabay sa mga bigating woodpushers sa nagaganap na 2013 Indonesia Chess Open Championship sa Puri Ratna Ballroom, Grand Sahid Jaya Hotel, Jl. Jenderal Sudirman 86 Jakarta, Indonesia.

Kinalos ni 2013 World Cup 1st round qualifier Barbosa (elo 2567) si FM Anjas Novita (elo 2328) ng Indonesia matapos ang 49 moves ng Caro-Kann defense.

Tumulad sa panalo ni Barbosa sina reigning Battle of the Grandmasters ruler GM John Paul Gomez at International Master Rolando Nolte.

Pinaluhod ni No. 24 seed Gomez ang kapwa Pinoy na si NCAA chess MVP FM Paulo Bersamina habang si IM Muhammad Ivan Situru ng Indonesia ang kinaldag ni Nolte (elo 2447).

Parehong may 3.5 puntos sina Barbosa, Gomez, Nolte at GM Darwin Laylo na nakatabla kay super GM Renier Igarza Vazquez (elo 2602) ng Spain.

Kasama ng mga Pinoy sa seventh to 26th place ang mga super GMs na sina No. 2 seed Nigel Short (elo 2684) ng England, ranked No. 4 Eduardo Iturrizaga (elo 2658) ng Venezuela at seed No. 6 Ivan Sokolov (elo 2636) ng The Netherlands.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *