Friday , November 22 2024

Matansero tigok sa laslas at bigti

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso bago nagbigti ang isang 34-anyos  na lalaki sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Jonathan Moreno ng MPD homicide ang biktimang si Rodel Enriquez,  stay-in meat butcher (o matansero) sa Vitas Compound Slaughter House sa Vitas, Tondo.

Sa salaysay sa pulisya ni Esminda Escobar. 37, live-in  partner ng biktima, nakita niyang umi-inom ng alak (gin) ang  biktima bandang 5:30 ng hapon sa loob ng container van na ginawa nilang bahay sa lugar.

Nakaubos na ng isang bote ng gin ang biktima, nang kanyang napansin na nilaslas  nito  ang kanyang  braso gamit  ang isang blade.

Sinaway umano ni Escobar ang live-in ngunit   nagalit pa sa kanya saka pinalabas sa kanilang tirahan.

Matapos ang 15 minuto, bumalik aniya si Escobar  ngunit  siya ay nabigla nang tumambad sa kanya ang live-in partner na nakabitin na sa kisame ng kanilang bahay.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Tyrone Lalas.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *