Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacers, Rockets nasa bansa na

DUMATING kahapon sa bansa ang teams ng Indiana Pacers at Houston Rockets sakay ng magkaibang flights para sa magiging laro nila  sa NBA Global Game.

Ang Pacers ay pinangungunahan ng kanilang main man na si Paul George na kamakailan lang ay pumirma ng long-term contract extension sa Indiana.    Kasamang dumating ng grupo ang Pacers president na si Larry Bird.

Samantalang ang Rockets ay binabanderahan ng kanilang sentrong si Dwight Howard kasama sina Jeremy Lin at James Harden.

Ang presensiya nina Larry Bird at Houston Rockets coach Kevin McHale sa bansa ay ang kanilang ikalawang pagkakataon na makarating dito.

Ang  NBA Global Games Philippines 2013 ay lalarga sa ganap na 7:00 pm sa Huwebes, October 10 sa Mall of Asia Arena.

Ang dalawang teams ay nakatakdang maglibot sa siyudad at bumisita sa ilang piling basketball courts.  Magkakaroon din sila ng NBA Cares activities para sa mga bata sa Mall of Asia Arena.

Magbibigay din ng “clinic” para sa basketball coaches ang NBA sa MOA sa Martes, October 8 sa pakikipagtulungan ng Samahang Basketball ng PIlipinas at Mall of Asia.

“Members of the Houston Rockets and Indiana Pacers coaching staff will be on hand to help conduct the clinic for the attending coaches. This free coaching development program is supported by the NBA and is open to all coaches of any level,”  ani ng organizer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …