SINA Grandmaster John Paul Gomez at Woman International Master elect Janelle Mae Frayna ang itinanghal na kampeon sa kani-kanilang dibisyon sa 2013 Battle of the Grandmaster Chess Championships sa Philippine Sports Commission Conference Room, Administration Bldg., Vito Cruz, Manila nitong Lunes.
Bagama’t nauwi ang laban ng 27-year-old Binan, Laguna native Gomez sa fighting draw sa last round kay Fide Master Roderick Nava matapos ang 31 moves ng Slav defense sapat para tumapos sa 30.0 points at kunin ang titulo ng mens division matapos ang superior quotient kay GM Oliver Barbosa na nakaipon din ng 30.0 points matapos talunin si Fide Master Jony Habla sa 41 moves ng Bogo-Indian defense.
Kapwa pinaghatian nina Gomez at Barbosa ang combined prize P240,000 para sa top 2 finishers.
Ang torneyo ay inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), sa gabay nina chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr. at secretary-general Rep. Abraham “Bambol” Tolentino Jr., sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commisison (PSC), sa pangunguna ni chairman Ricardo “Richie” Garcia at ng Philippine Olympic Committee (POC) sa magiting na pamumuno ni president Jose “Peping” Cojuangco.
Tumapos si GM Darwin Laylo ng 26.5 points matapos manaig kay International Master Joel Pimentel sa 31 moves ng Ruy Lopez Opening tungo sa P75,000.
Tabla si 12-time national open champion GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. kay IM Richilieu Salcedo III sa 45 moves ng Caro-Kann defense tungo sa over-all fourth na may 25.5 points para sa P50,000.
Tabla din si US based GM Rogelio “Banjo” Barcenilla kay last year’s champion GM Mark Paragua sa 31 moves ng Scotch defense tungo sa solo fifth na may 22.5 points para sa P40,000.
(Lovely Icao)