Saturday , April 19 2025

First Philippine carrier ng Cebu Pacific lalapag sa Dubai

PINALIPAD ng Philippine leading low-cost carrier, Cebu Pacific (PSE:CEB) ang kanilang first long-haul flight dakong 4:40 p.m. kahapon. Ang daily 9-hour Manila-Dubai direct service ay nagsilbi bilang “milestone” para sa unang eroplano sa short-haul regional and domestic operations.

Sinabi ni CEB President and CEO Lance Gokongwei sa ginanap na flight launch ceremony, “When you, dear guests, land in Dubai la-ter tonight, it will be aboard the first Philippine carrier to land in Dubai in 15 years. We proudly carry the Philippine flag in this historic moment.”

“When we say we fly to where Filipinos are, we mean it. This was our mindset when we launched our first international flight to Hong Kong in 2001. This remains our mindset as we launch our 22nd international destination now,” aniya.

Ayon sa data mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nabatid na ang UAE ay pangalawa sa Saudi Arabia sa pinakamaraming bilang ng land-based new hires and rehires. Noong 2012, mayroong 259,546 land-based workers na naka-deploy sa UAE.

Si Department of Transportation and Communications Undersecretary at Chairman ng Philippine Air Negotiating Panel Hon. Jose Perpe-tuo Lotilla at key officials mula sa Embassy of the United Arab Emirates, Civil Aeronautics Board, Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority ang nanguna sa “sent off” ng maiden flight passengers mula Manila.

Sa Dubai, ang send-off ceremony ay dinaluhan ni Her Excellency Grace Princesa, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Republic of the Philippines sa United Arab Emirates.

Ang maiden return flight ay umalis sa Dubai dakong 11:10pm (Dubai time) at darating dakong 11:40 a.m. sa kasunod na araw. Lulan din sa na-sabing flight ang 100 Global Filipinos Cebu Pacific na lilipad nang libre, bilang bahagi ng “100 Lucky Juans” contest. Ang 100 Lucky Juans, na ang tagal ng pananatili sa Middle East nang hindi babalik ay hanggang isang taon, ay sasalubungin ng homecoming party sa kanilang pagbalik sa Maynila.

Ang CEB’s Manila-Dubai-Manila service ay gumagamit ng CEB’s brand-new Airbus A330 aircraft, na idiniliber kamakailan mula sa Toulouse, France.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *