Sunday , December 22 2024

Chinoy trader nakitang patay sa hotel

Patay  na nang madiskubre ang isang Filipino-Chinese businessman  sa loob ng inuukupahang kuwarto ng isang hotel kahapon ng hapon sa Pasig City.

Kinilala ni P/Chief Insp. Glen Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig PNP ang biktimang si Yee Ching Chua, 57, may asawa, residente ng #2832 Park Avenue, Pasay City.

Sa ulat, dakong 3:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa room 2601 ng Astoria Hotel na matatagpuan sa Escriva Drive, Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod.

Ayon sa record, ang biktima ay nag-check-in mag-isa sa nasabing hotel noong Sept. 29, 2013 at nakatakdang mag check-out kahapon kung kayat kinatok ng mga tauhan ng nasabing hotel.

Nabatid kay Edgardo Vargas, house officer ng nasabing hotel  na walang sumasagot sa kuwarto ng biktima kahit pa tawagan nila sa telepono kung kayat napilitan silang distrongkahin ang pinto at laking gulat nila nang tumambad ang nakahandusay na bangkay.

Ang bangkay ni Chua  ay nakalagak sa Quiogue  Funeral Homes at wala namang palatandaan na nagkaroon ng foul play nang sumailalim sa   awtopsiya ang bangkay nito.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *