Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biyudo patay, 2 pa sugatan sa B-day party (Umawat sa away)

DINILIG  ng dugo ang masayang birthday party matapos magwala ang isang bisitang criminology student at pagsasaksakin  hanggang sa mapatay ang isang biyudo at malubhang nakasugat sa dalawang kaklase kabilang ang birthday boy kamakalawa ng gabi sa Caloocan City .

Dead on arrival sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Rizalito Tan, 50-anyos, residente   ng # 404 C-3 Road , Brgy. 22, ng nasabing lungsod sanhi  ng maraming tama ng saksak sa katawan.

Patuloy namang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sina  Donald Guzman, 21-anyos at birthday boy na si Terrence Arguelles, 23 at kalugar ng napatay na pawang criminology student.

Aarestado ang suspek na si Mar Morales, 24-anyos, ng Block 1, Lot 27 ng nasabing barangay at kaklase nina Guzman at Arguelles.

Sa ulat ni PO2 Cesar Garcia, may hawak ng kaso, 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima sa nasabing barangay.

Bisita  umano ni Arguelles na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang suspek at habang nag-iinuman ay nauwi sa mainitang pakikipagtalo sa kanyang mga kaklase.

Dito naman nagising ang natutulog na si Tan at dahil siya ang nakatatanda ay pilit nitong inaawat ang nagwawalang suspek kung saan siya ang unang napagbalingang pagsasaksakin na naging sanhi ng kamatayan ntio.

Pilit inaawat ng dalawang kaklase ang suspek subalit sila man ay pinagsasaksak nito na malubha nilang ikinasugat dahilan upang isugod sa nasabing pagamutan.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …